Saturday, November 19, 2005

Tanging Ikaw

Bawat araw akong naglalakbay
Umiikot, gumagala
Hindi alam kung saan patungo
Hindi alam kung ano ang gagawin

Pakiramdam ko na ako ay nalulunod
Dinadala ng mga along hindi nakikita
Pakiramdam ko'y umaakyat ako ng bundok na walang katapusan
Patuloy na pakikipaglaban sa mga bato at buhangin

Akala ko'y ako ang naghahanap
Ang katotohanan ay Ikaw ang nagsikap
Pagbalik ko sa Iyo ay tanging ligaya
Pagmamahal Mo'y aking muling nadarama

Ngayon Ikaw ay nakita
Pag-ibig mo ang tanging nais
Buhay ko ay aking iaalay
Ikaw lamang ang aking sinasamba.

[Haha! First attempt to try writing something in Filipino.:p Feel free to edit it for grammatical errors or whatever.]

2 comments:

Marley said...

Ikinararangal kita kaibigan at kapatid. Ang galing ng pagkakasipi ng tulang ito :) nadama ko ang iyong pagkalunod at pagkaanod sa mga alon...

Heehee

although I think it's better if you say "Pakiramdam ko..." coz it's sumkinduva redundant the double "ay"s:D

jarletofclay said...

Haha! Ako'y nagpapasalamat sa iyong pag-komento. I knew there's something wrong with it! Heehee! Alright, correction will be made as said.:D