Tuesday, September 30, 2008
Masarap Maging Atenista!
Bakit kamo? Ang mga susunod ay ang aking mga rason:
1. Dahil alam namin na parating meron;
2. Dahil lahat ng tao mahal namin, mapa-anong edad, mapa-babae ka man o lalaki, o mapa-anong kulay ka man (kahit na berde ka, ayos pa rin!);
3. Dahil mahal namin ang mga puno;
4. Dahil maganda ang kulay asul; at
5. Dahil panalo kami sa UAAP Season 71!
Biruin mo, sa sobrang sarap na maging Atenista, kahit mga hindi Atenista, nakiki-Ateneo na rin! Hay, ang mga tao talaga. Ang sarap asarin ang mga ilan sa kanila, "Oy, Nene, anong grade ka pa lang?" Haha! Oo na, masama na, pero nakakatawa pa ring isipin na sa isang selebrasyon na gawa ng Atenista para sa kapwa nilang mga Atenista, halos kalahati ng dumalo ay hindi Atenista. Ang saya! Pero ayos lang, dahil nga sabi ko sa #2, lahat ng tao tatanggapin at mamahalin namin. Atenista kami e, men and women for others, kaya dapat maging mapagbigay. Sabagay, sinuportahan naman rin nila si Chris Tiu, ay, este, ang lahat ng Blue Eagles at si Norman Black, kaya panalo na rin sila.:p Hindi nga ba, the more, the merrier?:p
Ang masasabi ko lang, mabuhay kayo, Ateneo Blue Eagles! Rabah Al-Hussaini, Nonoy Austria, Mike Baldos, Ryan Buenafe, Vince Burke, Justin Chua, Yuri Escueta, Zagz Gonzaga, Kirk Long, Jobe Nkemakolam, Jai Reyes, Eric Salamat, Nico Salva, Chris Sumalinog, and Chris Tiu - salamat sa inyong lahat! Mga tunay kayong mga alamat. Kay Yuri at Chris, mabuhay kayo! Sa mga iba, sana maulit uli sa susunod na taon.:D Pero kung hindi naman (nawa'y hindi, pero hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari), sa Ateneo pa rin ako! Ika nga natin, win or lose, it's the school we choose. Kung ito'y isasalin natin, "Manalo, matalo, sa Ateneo pa rin ako!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ok congrats to the admu!!!
sana next year maging maayos officiating ng ref.!!!!Masyado kcing halata kpag luto yng game lalo n nung game 2!!!
dlsu2011-100 years
ateneo2009-150 years
up-2008- 100 years
UST 2011 -400 years n!!!
GO USTe
Kayo puro promotion lng sa amin pope darating by 2011!!!
Viva Santo Tomas
Er, thanks?XD Hahaha! I don't know if you're actually being congratulatory, patronizing, or insulting, but I'll take it as a compliment, nonetheless.
Also, for the record, I don't think the game was fixed or anything. After all, there are wrong calls in practically all games. I'm not saying that it's right, but that's the reality of things (and bribery or whatever). When you get down to it, Ateneo really had the stronger team this year.:)
Anyway, see you next season!:) Thanks for dropping by.
ANONYMOUS: good for you that the Pope will visit your school :) I do wish for more blessings for you :)
In the meantime...
CHAMPION pa rin kami :P mwehehehe
Post a Comment