Sa bawat araw na hinaharap ko
Ikaw lamang ang sandalan ko
Tagapuno ng lakas sa aking kahinaan
Tagasalo ng mga luhang tila walang katapusan
Paano ko nga ba maibabalik ang kabaitan Mo?
Paano ko mababayaran ang utang ko?
Ang pagmamahal Mo ay sadyang walang katapat
Na higit buhay man ay hindi matatapatan
Narito lamang ako, Panginoon
Naghihintay na matawag mo
Nagnanais lamang na ipakita ang pag-ibig ko
Isang anak na humahanga sa kanyang Ama
Sadyang kay hirap mabuhay sa mundong ito
Ang bawat pagsikat ng araw ay nagdadala ng matinding sakit
Ngunit ang kalooban ko ay hindi mababagabag
Sapagkat kapayapaan ko’y hawak ng Maykapal
Narito lamang ako, Panginoon
Inaabangan ang salita Mo
Sa kahit ano mang paraan na nais Mo
Sana’y masuklian ko ang alay Mo
Thursday, June 08, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment